Matatanaw dito ang dating mga minahan ng ginto, pilak at ibang metal.
Mamamangha ka talaga sa kalawakan ng area na cover ng mga bulubundukin ng Cordillera. Mga bundok lang talaga at mga minahan ang makikita mo dito pero yung feel ng nasa tuktok ka ang nakakapagpasaya. Parang ang lapit lapit lang ng mga ulap pag nandito ka, ang sarap mag food trip, magkwentuhan at magpapicture kasama ang mga katutubo at magsuot ng costume.